Dito sa Malaysia, may dalawang klase ng inidoro akong alam at nakikita: yung inidoro na nakaupo ka ng normal; at, yung sa lapag, na kelangan mong mag-squat.
Bilang isang bagong henerasyon na Pinoy na nasanay sa normal na pamamaraan, minamarapat kong yung una ang gamitin kapag “makikipag-usap ako sa komite”, session ika nga. Mas komportable, pwede pa akong maglaro gamit ang iPod.
Kaso, may ibang mga taga-rito na ginagawang lapag ang normal na kubeta. Syempre, sanay sila sa pag-i-squat. At may ibang mga taong umi-i-squat sa upuan ng normal ng inidoro. Makikita mo ang bakas ng sapatos nila, na di mo malaman kung saan inilakad at kung anong natapakan sa labas ng opisina.
Uupo ka pa ba don? Syempre hindi na, magpipigil ka pa ngayon lalo. Nakakainis di ba?
Pero…ang ikinababagabag ng loob ko, pano sila nag-i-i-squat sa maliit na espasyo ng upuan ng inidoro??? Sumasakto kaya yun o may lumalagpas? Nakanang! Kadiri!
Update:
Some squatting-related stories from the Four Hour Work Week blog.